1
min read
Cool Paws: Bakit Kailangan ng Aircon para sa Fur Babies Mo Tuwing Summer?
by
Jerico Umali
Share this article

Summer na naman! Tayo, may paraan para magpalamig, pwedeng uminom ng malamig na inumin, magbabad sa aircon o kahit maligo nang ilang beses sa isang araw. Pero paano naman ang fur babies natin? Hindi tulad natin, hindi sila madaling pagpawisan kaya mas mabilis silang nakararanas ng init at discomfort. Kaya ngayong tag-init, mahalagang siguraduhin na comfortable at ligtas sila!

Kapag sobrang init, mabilis mag-overheat ang mga alagang hayop, lalo na yung mga may makapal na balahibo o maiksing nguso gaya ng Shih Tzu, Pug at Persian cats. Mapapansin mong hingal na hingal sila, matamlay o minsan wala nang gana kumain. Warning sign na ‘yan ng heat stress! Kapag hindi agad naagapan, pwedeng humantong sa heat stroke na delikado para sa kanila. Siyempre, laging may tubig dapat na available, pwede ring bigyan sila ng cooling mat o electric fan. Pero kung talagang gusto mong siguradong comfortable sila, aircon ang best option! Hindi lang ito nagbibigay ng malamig na environment kundi nakakatulong din para maiwasan ang overheating at stress sa mga pets.

Ang tanong, paano kung wala ka pang aircon? Alam nating hindi biro ang gastos ng bagong air conditioner pero huwag mag-alala! Sa GoodDeal, may flexible financing plans kaya pwede mong makuha ang perfect aircon para sa'yo at sa fur baby mo nang hindi kailangang maglabas ng malaking pera agad-agad. Ayaw mong mahirapan sa init ang alaga mo, ‘di ba? I-level up ang comfort nila at gawing cool at comfy ang inyong summer!

Check out GoodDeal at alamin kung paano ka makakakuha ng aircon na abot-kaya!

Let’s Make Financing Easy and Stress-Free—Reach Out Today for Expert Guidance and Personalized Solutions!
Contact Us